This blog was taken from Ms. Lacsamana's account. Warning, this is purely written in Filipino (coz she's our Filipino teacher as well) This is not to get all the hate from readers only, but to open the eyes of everyone because this is inevitable. This is real and actual and the worse part...it had to be one of my most treasured bestfriends, Tara Santelices...
"Kararating ko lang galing Medical City. Dinalaw namin at ipinagdasal si Tara. Kasama ko sina Sir Louie Lorenzo, Sir Lito Jimenez, Ms. Taks Clarete, Ms Ettie Miranda at Ms. Rorie Francisco.
Halos mapuno ang pasilyo ng ospital dahil sa mga nakapilang mga tao na nais makita si Tara. Nagtataka ang ilang nars dahil ang daming bisita ni Tara. Di nakatiis ang isang nars at nagtanong kung kaanu-ano namin si Tara. Sabi namin " dati naming estudyante." Ang sagot ng aming kausap ay " ang dami niyang bisita hanggang kahapon." Isang matipid na ngiti at sabay sabing " oo, dahil marami ang nagmamahal kay Tara."
Niyakap kami ni Lila, ang kapatid ni Tara na naging estudyante rin namin. Pinauna kami na makapasok sa ICU upang tingnan si Tara. Dala-dalawa lang ang maaaring makapasok sa ICU at sa labas lamang ng kuwarto na may salamin mo makikita si Tara. Sa ganoong sitwasyon sari-saring emosyon ang iyong mararamdaman. Mahirap at masakit sa loob na makita ang dati mong estudyante sa ganoong kalagayan. Halos maga na ang kanyang ulo na may benda. Malakas ang kanyang paghinga sa tulong ng respirator. Halos nakalabas ang itim na bahagi ng mata dahil na rin sa bala ng baril na nasa kanyang utak. Kausap namin ang kanyang ina at isinalaysay ang tunay na nangyari. 10% lang ang tsansa kung maooperahan siya. Ang bala ng baril ay "double action." Ibig sabihin nito ay maliliit na bahagi ng bala ay nakakalat sa kanyang utak. Mahirap at maselan ang operasyon dahil iisa-isahing tanggalin ang maliit na bahagi ng bala.
Nagpakilala ako sa kanyang ina at sinabi ko na ako ang teacher-in-charge (IV-3 batch 2003) ni Tara. Tinanong ko siya kung ano ba talaga ang nangyari. Iba kasi ang mga naglalabasang balita.
Siya namang dating ni Joee, bestfriend ni Tara. Isinalaysay ni Joee ang tunay na nangyari. Birthday ni Tara ng Agosto 6. Nag-text sa kanya si Tara na magkita sa "Burger King" sa Marcos Highway. Galing pa si Joee sa CSB, Taft Ave. Napagkasunduan nilang hintayin ang 12:00 ng madaling araw upang ipagdiwang ang 23 kaarawan ni Tara. Matapos ang 12:00 ng madaling araw ay sumakay sila ng dyip pauwi ng Cainta, Rizal. Sila lang ang sakay ng dyip. Pahinto-hinto ang dyip upang magsakay ng pasahero. Hanggang may isang lalaki na sumakay sa dyip na umupo sa tabi ni Tara sa bandang hulihan. Pababa ang lalaki ng agawin ang bag ni Tara. Naghatakan sila sa bag. Nakarinig na lang ng putok si Joee na nakaupo sa tabi ni Tara. Nang tingnan niya si Tara, ito pala ang nabaril at sa ulo mismo. Sinabi ni Joee sa driver na dalhin sila sa malapit na ospital. Bago pa sila makarating sa malapit na klinika ay binaba pa isa-isa ang mga pasahero. Halos isang oras bago sila nakarating. Pagkahatid sa klinika ay iniwan na sila ng drayber. Tinanggihan ng klinika na tanggapin si Tara dahil hindi nila kayang gamutin. Naghintay pa si Joee ng mahabang sandali upang tulungan sila ng mga nars na tumawag ng taxi at dalhin sa Eulogio "Amang " Rodriguez Hospital si Tara. Isipin na lang na 5' 2 ang taas ni Joee at siya pa ang nagbuhat kay Tara. Di na makausap ni Joee si Tara nang nasa EAR hospital. Tinawagan niya ang mga magulang ni Tara at kanyang mga magulang upang ipaalam ang mga pangyayari. Nakalulungkot isipin na buhay na ang nakabingit ay parang walang pakialam ang mga pasahero ng dyip na nagpababa pa sa kani-kanilang destinasyon. Ikalawa, kung di pa sumigaw si Joee upang magpatulong sa mga nars sa klinika na kanilang napuntahan na tumawag ng taksi upang dalhin sa pinakamalapit na ospital ay di pa kikilos. Siya pa ang nagbuhat kay Tara upang isakay sa taksi.
Medyo masakit at sariwa pa kay Joee ang mga pangyayari kaya di na kami nagtanong pa. Pumunta kami sa waiting area at nakita namin ang ama ni Tara. Tinawag namin ang mga kaibigan, kaklase at mga mahal sa buhay ni Tara upang manalangin. Sa pangunguna ni Ms. Taks Clarete ay ipinagdasal namin si Tara.
Pagkatapos ng limang (5) taon ay nagkita-kita kami ng aking mga dating mag-aaral at TIC class. Nakalulungkot ang sabi ng isang mag-aaral " Ms, dito pa tayo nag-reunion." Sabi ko sa ilang mga dati kong estudyante na noong Agosto 1, bigla na lang sumulpot si Tara sa facebook at humihiling na i-add ko siya. Nang mabalitaan ko ang nangyari sa kanya ay tiningnan ko ang kanyang facebook profile. Sinulatan ko siya sa kanyang 'wall' dahil kaarawan niya. Di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa kanyang "recent activity" na nakasulat sa facebook: " Tara Bosch Santelices is chasing analog ghosts." Ikinuwento ko sa kanila na para siyang may premonisyon. Ang sagot ng ilan ay ; "Miss, sa kanyang ym ay kanyang isinulat: "bullet through my head."
Para sa iyo Tara, nandito kami .... nanalangin at nagbabantay sa iyong paggaling."  | i have always wondered about the "chasing analog ghosts" shout out, but didn't have the chance to ask her about it, i'm assuming it's a lyric from a song.
-sam |
 | bleedingboy wrote on Aug 10, '08, edited on Aug 10, '08 sad to say, people learned not to care. sarap pagsabihan mga tao. pero talagang wala lang paki alam. tsk tsk tsk.
|
 | ano na balita? keep us posted here with updates on tara's condition ha. i know you're getting tons of text messages right now so mass update ka na lang samin dito sa multiply.
mario has online friends in my space asking daily for updates. they have groups there praying for her everyday.
10% chance - isang zero lang yan away from 100%. lets all look forward to her complete healing and recovery and not for even a quarter of a second entertain any negative thoughts. |
 | "chasing analog ghosts"... "bullet through myhead"... and one more thing... the shirt she wears that she used on the picture display on her friendster account which said...
Miracles happen... Please continue praying for her... |
 | i really dont know her personally, but I am praying for her. God is in control! |
 | guys thank you for all your support and prayers for tara. Please continue praying for her recovery. Will update the benefit gigs again. please check it out.
|
 | me too, i don't know her personally but i'm praying for her recovery. |
 | I wish Tara fast recovery. I also wish for justice! |
| |
|